Xian

Tambalang Jennylyn at Xian, tuloy sa 2023

November 14, 2022 Jun Nardo 335 views

HANDA nang sumabak sa naiwang trabaho si Jennylyn Mercado bago manganak.

Matatandaan na naudlot ang taping ni Jen ng series nila ni Xian Lim na Love Die Repeat sa biglaan niyang panganganak.

Eh, tapos na rin ang movie na ginawa ni Xian sa ibang bansa, kaya sa mga unang buwan ng 2023, matutuloy na ang tambalan nila ni Jennylyn.

‘START-UP PH’ CAST, WALANG ISYU

LUMABAS ang confidence kay Kapuso actor Jeric Gonzales nang manalo siya ng best actor awards sa international film festival para sa movie niyang Broken Blooms.

“Malaking boost sa confidence ‘yung awards bago ko gawin ang Start-Up PH. Kaya feeling ko nang gawin ‘yun, puwede akong makasabay sa co-actors ko like Bea (Alonzo) and Alden (Richards),” pahayag ni Jeric nang ma-interview ng press.

Totoo bang may issue sa ilang cast ng Start-Up PH?

“Wala naman pong isyu. They’re both happy sa project. I think they gave everything naman sa project, sina Alden and Bea,” sagot niya.

Fan ni Bea si Jeric kaya naman nang maksama sa Start-Up PH, “Hindi ko akalain na ganoon kabait. Alam niya lahat ng lines niya ‘pag pumupunta siya sa set. Nakaka-pressure pero good pressure.

You have to study talaga ‘pag pumupunta sa set.

“Nakakahanga. Kahit super haba ng lines niya, alam niya talaga! Hiling ko na makasama ko siya sa pelikula,” saad pa ni Jeric.

Sa December 14 ang showing ng Broken Blooms sa mga sinehan mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

AUTHOR PROFILE