Jennylyn

Tambalang Jennylyn at Xian kasado na

August 18, 2021 Eugene E. Asis 84 views

TULUY na tuloy na ang proyektong pagbibidahan nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at versatile actor Xian Lim sa GMA Network.

Nakatakdang magsama sina Jennylyn at Xian sa upcoming Kapuso series na ‘Love. Die. Repeat.’ sa ilalim ng direksyon ni Irene Villamor.

Sa latest Instagram post ni Jennylyn, ibinahagi ng aktres ang naganap na virtual story conference na dinaluhan ng ilang miyembro ng production and creative teams ng GMA Entertainment Group pati na rin ng kanilang co-stars.

Makakasama nina Jennylyn at Xian sa proyekto sina Gardo Versoza, Mike Tan, Kim Domingo, Samantha Lopez, Valerie Concepcion, Victor Anastacio, at Lui Manansala.

Samantala, nagpahayag din ng excitement si Xian para sa kanyang first major GMA project sa ipinost niyang screenshot mula rin sa naganap na virtual story conference at pahapyaw ng script para sa Love. Die. Repeat. sa Instagram ng aktor.

Noong baguhan pa lang si Xian sa showbiz ay nagkaroon siya ng ilang guest appearances sa drama anthology na Maynila.
Tiniyak naman ng dalawa na walang selosang magaganap sa bahagi ng girlfriend ni Xian na si Kim Chiu at sa life partner ni Jennylyn na si Dennis Trillo.

FLEX may handog na masaya at makulay na performances

FlexISANG Sabado na puno ng nakakaaliw na comedy skits at makukulay na performances ang inihanda ng paboritong Gen Z squad sa comedy variety show ng GTV na FLEX.

Abangan ngayong Sabado ang bagong skit na pinamagatang ‘Selfie Museum’ kung saan ibibida ang ilan sa pinakasikat na selfies sa social media. Tiyak na magugulat din ang viewers sa mga kahulugan sa likod ng paboritong selfie poses.

Ipagbubunyi naman ang LGBTQIA+ Pride sa ‘FLEX Collab’ kung saan makakasama ng Kapuso stars na sina Will Ashley at Ysabel Ortega ang TikTok stars na sina Clang Cortez at JM Yrreverre para sa isang kakaibang performance.

‘Wag nang magpahuli sa good vibes na hatid ng FLEX tuwing Sabado, August 21, 6:15PM, sa GTV.

AUTHOR PROFILE