Dave & Ara

Ara, aliw sa pagti-TikTok ni Dave

August 18, 2021 Ian F. Fariñas 562 views

NakaKAdalawang TikTok videos na si Philippine International Trading Corporation (PITC) President and CEO Dave Almarinez at hinahayaan lamang siya ng asawang si Ara Mina dahil nakakaalis daw ito ng stress.

Sobrang bigat din kasi ang trabaho nito sa opisina.

Kuwento ni Ara, “Naaliw talaga ako nu’ng nakita ko nag-Tiktok sila nina Kirsten at Mandy. At first, natatawa ko kasi hindi ako sanay na nagtitiktok siya, hahaha! Tapos ang daming positive feedbacks so hinayaan ko na.

“Nakakawala raw ng stress sa kanya. Pero, paminsan-minsan lang naman daw at saka nagiging bonding na rin niya with the kids.

“Tinuturuan siya ni Kirsten, ’di kasi siya masyado magaling sumayaw, pero si Kirsten magaling. ’Pag sa kantahan naman, magaling diyan ang asawa ko, hahaha!”

Sa ngayon, nagba-bonding ang mag-asawa dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila.

Hindi nakabalik sa taping si Ara. August 1 sana siya sasabak sa lock-in taping para sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Mas maigi na rin ’yun kasi ang taas ng kaso, nakakatakot ang Delta variant ng COVID-19. Bonding lang kami sa bahay, kain, usap tungkol sa future. Pero, lumalabas ako paminsan-minsan kasi pinupuntahan ko ang commissary ng Hazelberry.

“Kahit kasi naka-lockdown tayo, ang dami pa ring orders online. Hindi naman ipinagbabawal ang food delivery, eh. Thank God for business! Sa katapusan, balik- taping na rin ako sa Probinsyano,” pahayag pa ni Ara.

AUTHOR PROFILE