Paradise

Tambalang Derrick at Elle, mainit na tinanggap

August 10, 2022 People's Tonight 124 views

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa bagong GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise.

Nagsama-sama para pagbidahan ang intriguing story ng serye sina Kapuso hunk Derrick Monasterio bilang Red, Sparkle star Elle Villanueva bilang Eden, at seasoned actress Eula Valdes bilang Amanda.

Sa pilot week nito noong nakaraang linggo ay bumuhos agad ang positive feedback ng Kapuso viewers at netizens sa kakaibang kwento ng serye at performance ng cast.

Komento ng isang avid viewer sa Facebook, masaya siyang mapanood si Derrick muli sa telebisyon at boto sila kay Elle bilang bagong kapareha nito.

“Isa sa mahusay na actor sa GMA, nice to see u again in a teleserye. Grabe halatang magpapakilig ang love team na to, bago pa lang pero may chemistry na. The best talaga mag-partner ang GMA,” sabi ng viewer.

Trahedya nga ba ang babago sa buhay nina Red at Eden? Mananaig ba ang pagmamahalan ng dalawa hanggang sa huli?

Abangan ang maiinit na eksena sa Return to Paradise, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Apoy sa Langit sa GMA Afternoon Prime. Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE