Andrea

Maris kay Andrea: Kamukha ko ba si Ricci?

August 10, 2022 Vinia Vivar 106 views

Dahil ilang araw na ngang nasa Amerika si Andrea Brillantes kasama ang Star Magic talents para sa kanilang US concert tour, aminado ang dalaga na nami-miss na niya ang dyowang si Ricci Rivero.

Nakakaaliw ang video na ipinost ng co-Star Magic talent niyang si Maris Racal.

Makikita sa video na katabi ni Maris si Blythe (Andrea) at sey ng huli sa una, “Pa-hug kasi nami-miss ko na dyowa ko, eh,” sabay yakap dito.

Natawa kami sa sagot ni Maris na, “Bakit, kamukha ko ba si Ricci?”

At natawa rin si Andrea.

Nag-tweet din si Blythe a few days ago ng “day 2 and I miss my jowa.”

Sinagot naman ito ni Ricci ng “I miss you, too” kaya super kilig na naman ang netizens.

Anyway, bukod sa nami-miss niya ang BF, sobrang overwhelmed din si Andrea na first time nakapag-perform sa Kings Theatre sa New York.

“Still can’t believe i performed in Kings Theatre… i never would’ve thought that i’d be able to perform in New York City. i never thought it was possible but… here i am now!! grabe God is Good talaga,” tweet ni Andrea.

Sinagot naman ito ni Ricci ng “we’re all proud of u!”

BIGGEST REALITY GAME SHOW NG 2022

Malapit nang mapanood sa GMA-7 ang pinakahihintay at biggest reality game show ngayong 2022, ang Running Man Philippines.

Maglalaban-laban sa exciting games at nakakaaliw na missions ang cast members na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Mikael Daez.

Ipapakita nila sa programa ang competitive yet fun side ng bawat isa at kung paano nabuo ang kanilang friendship habang nagte-taping sa South Korea.

Mag-e-enjoy rito hindi lang ang millennials, kundi pati ang buong pamilya.

Kaya get ready dahil tiyak na mapupuno ng katatawanan ang weekends ng Kapuso viewers sa pagdating ng ating runners.

Abangan sa September 3 ang world premiere ng Running Man Philippines sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE