Kulong

‘tama na po tito, tama na po!’

May 10, 2023 Jonjon Reyes 489 views

NAGING mabilis ang aksyon ng mga operatiba ng Alvarez Police Community Precinct ng Manila Police District Sta .Cruz Police Station 3 makaraang dumulog ang guro ng isang 17-anyos na dalagita na umano’y ginawang parausan o sex slave ng kanyang tiyuhin sa Sta Cruz, Manila.

Himas rehas ngayon ang suspek na 26 anyos na delivery boy na natimbog ng mga kapulisan sa pangunguna ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez PCP, sa kanilang bahay sa Sta.Cruz.

Sa salaysay ng biktimang na itinago sa pangalang “Nene” huling naganap ang panghahalay ng kanyang tiyuhin na si ” Berto” nitong Mayo 7, 2023.

Una na umanong nagsumbong ang dalagita sa kanyang adviser sa pamamagitan ng sulat at nagpapaalam na ito na hindi na siya papasok at uuwi na lamang ito sa kanilang probinsiya.

Dito na nadiskubre ang ginagawa ng suspek sa biktima. Paulit-ulit umanong hinahalay at ginawang parausan ang dalagita ng suspek sa loob mismo ng bahay nila;

Nabatid pa sa ulat na nagsiimula pa noong Pebrero taong kasalukuyan ang pagsamantala sa biktima ng kanyang tiyuhin na dapat umano ay magsisilbing ” guardian” nito dahil ang mga magulang ng dalagita ay nasa probinsiya.

Ang suspek ay naaresto sa isinagawang operation ng nagsanib na pwersa ng mga operatiba ng MPD at mga tauhan ng MDSWD.

Ayon kay Major Echalar, Mayo 9 nang maghain ng reklamo ang dalagita kaya agad silang naglatag ng surveillance at nag-follow up sa kaso.

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng MPD sa guro ng dalagita na siyang umagapay at agad humingi ng tulong sa tangapan ng MSWD at sa mga kapulisan ng Alvarez PCP-MPD PS.3.

Nagpaabot ng pasasalamat at papuri si “The Game Changer General”at MPD Director Police Brig.General Andre P. Dizon sa kanyang mga kapulisan at sa pamunuan ng Manila Department Social Welfare Development sa agarang pagtulong at aksyon sa biktima.

AUTHOR PROFILE