Default Thumbnail

Rider huli sa paglilipat pondo ng 2 kumpanya

May 10, 2023 Edd Reyes 964 views

Aabot sa higit P8M

DINAKIP sa isang entrapment operation ng pulisya ang 33-anyos na rider habang nakikipag-transaskiyon sa isang bangko para sa iligal na paglilipat ng mahigit P8 milyong pondo ng dalawang kumpanya, Martes ng hapon sa Makati City.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Kirby John Kraft, ang nadakip na suspek ay naaktuhan ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Makati police habang nakikipag-transaksiyon sa isang bangko na nasa isang gusali sa kanto ng Ayala Avenue at Paseo De Roxas, Salcedo Village dakong ala-1:17 ng hapon.

Batay sa ulat, nakatanggap ng reklamo ang Makati police sa isang Atty. Dodjie Lagazo at isa pang Mico Cornejo na kumakatawan sa kani-kanilang kumpanya, at inaakusahan ang suspek na inililipat ang pondo ng kumpanya na umabot sa kabuuang halagang P8,612,886.55. sa isang bangko kaya’t nagkasa ng entrapment operation ang kapulisan.

Nakapag-prisinta umano ang suspek ng orihinal na Interbank Transfer Form kung saan nakalagay ang halaga ng salapi na kanyang ililipat sa bangko nang dakpin siya ng mga pulis.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, itinuro ng suspek ang isang “Joseph Bein” na aniya ay nag-utos sa kanya na magsagawa ng transaksiyon sa bangko dala ang nabawi sa kanyang Telegraphic Transfer Application Form na may nakalagay na halaga na ililipat sa bangko.

Iniutos na ni Kraft ang pagtugis sa kasabwat diumano ng rider na hinihinalang utak sa iligal na transaksiyon.

AUTHOR PROFILE