Heirs

Tagalog at Bisaya-dubbed shows, handog ng Viu

February 18, 2023 Ian F. Fariñas 508 views

VIU, ang pan-regional OTT video streaming service ng Hong Kong-based na kumpanyang PCCW, ay may higit 100 Asian dramas na dinub sa Tagalog at Bisaya.

Para ipagdiwang ang mga bonggang tagumpay, magkakaroon ng libreng “Tagdub” (Tagalog-dubbed)-inspired event sa ika-18 hanggang ika-19 ng Pebrero sa SM Megamall Activity Center.

Ayon kay Vinchi Sy-Quia, Viu Philippines assistant general manager, umpisa lang ito sa pagdaragdag nila ng mas maraming dubbed na palabas.

Aniya, “’Ika, nga, ‘we’ve come a long way’ dahil noong November 2020, kokonti lang ang mga dubbed na K-drama sa Viu. Pero ngayon lumampas na sa 100! Patuloy kaming magdaragdag ng dubbed content. Hindi lang mga palabas mula sa Korea ang tinutukoy ko, kundi mula rin sa China, Thailand at iba pang Asian countries ang aming ida-dub sa Tagalog, Bisaya at kung papalarin, sa iba pang wika ng Pilipinas. Iba talaga kapag nadirinig mo ang iyong paboritong artistang nagsasalita ng iyong wika.

Mas enjoy at mas tagos sa puso. Ang aming standard ay nakasaad sa tagline na ‘Swak sa dubbing, swak sa feels.’ Mapa-Tagalog o mapa-Bisaya, tiyak na aantig sa puso at damdamin ng manonood na Pinoy ang aming mga dubbed na palabas.”

Para lalong mag-enjoy, bukas at libre sa lahat ang Viu Village sa SM Megamall Activity Center sa ika-18 hanggang ika-19 ng Pebrero.

Mag-astang voice actor sa Tagdub booth, i-flex ang inyong galing mag-pares-pares ng drama posters, magpakuha ng litrato sa photo booth at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mga premyo sa interactive games at raffle draws.

At dahil buwan ng mga puso ang Pebrero, ikinakampanya ng Viu ang mga dubbed love story, gaya ng Hotel Del Luna, 18 Again, Reply 1988, Encounter, She Was Pretty, The World of the Married Couple, Dr. Romantic at The Last Empress, pati na rin ang mga Viu Original tulad ng Doom At Your Service at River Where The Moon Rises.

Mayroon din series na nasa Bisaya tulad ng Descendants of the Sun at My Girlfriend is a Gumiho.

Ang True Beauty, isa sa mga pinakasikat sa Tagalog dub, ay lalabas din sa Bisaya ngayong 2023.

\I-download ang Viu app sa Google Play o Apple Store para mapanood nang libre ang iyong paboritong Asian shows at Tagalog at Bisaya-dubbed dramas.

AUTHOR PROFILE