Richard

Richard, masaya sa lovelife nina Ruffa at Raymond

February 18, 2023 Ian F. Fariñas 285 views

RuffaANG kakambal na si Raymond Gutierrez pala ang inspirasyon ni Richard Gutierrez sa pagpapaka-buff.

Aminado ang bida ng The Iron Heart na medyo effort i-maintain ang maganda niyang pangangatawan kaya naman kailangan talaga ng disiplina sa pagkain at pagwo-workout halos buong linggo.

Ani Chard, “Yes, he (Raymond) is my inspiration. But matagal siyang proseso and I’m still working on it. The most difficult part is watching what you eat, which is difficult specially when we’re taping on location in Cebu kasi ang sasarap ng pagkain doon.

“Ang hirap mag-diet, it has to be lifestyle change. I also try to exercise everyday for one hour. The hard action sequences that we do in The Iron Heart is also very taxing and I really have to be fit to be able to do them without a double and without being injured.”

Gaya ng napabalita, extended ang The Iron Heart sa lahat ng Kapamilya platform, 8:45 p.m., on weekdays.

Kaya naman mas ganado pa si Chard na karirin ang kanyang maaaksyong eksena sa series bilang secret agent na si Apollo Adelantar, a.k.a. Tisoy o Olimpio Custodio.

Going back to Raymond, sinabi rin ni Chard na masaya siya para sa kakambal. Hanga raw siya sa katapangang ipinakita ni Mond nang mag-out ito’t umamin tungkol sa boyfriend na si Robert William.

Hindi pa nami-meet nang personal ni Chard si Robert dahil nu’ng dumalaw ito sa ‘Pinas, naka-lock-in taping siya sa Cebu for The Iron Heart.

“Nu’ng nandito siya, sila Sarah (Lahbati, misis ng aktor), kasama siya. Pero nasa Cebu kasi ako nu’n. Nasa lock-in taping ako so online, nag-meet kami,” kwento ni Chard.

Nang matanong naman tungkol sa lovelife ng ate niyang si Ruffa, pareho ang naging sagot ng aktor.

“Basta happy ‘yung mga kapatid ko, happy ako para sa kanila. basta masaya siya saka she’s being treated well and loved, why not?” ani Chard without mentioning any name kung sino ang BF ni Ruffa ngayon.

AUTHOR PROFILE