Drug test YARI–Kabado ang mga pulis Maynila dahil sa sorpresang drug test sa Manila Police District headquarters sa UN Ave., Ermita Maynila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Surprise drug test inutos sa MPD; pulis kabado

September 4, 2023 Jonjon Reyes 307 views

ISANG sorpresang drug test sa mga pulis Maynila ang isinagawa sa headquarters ng Manila Police District umaga ng Lunes.

Pinangunahan ni MPD Chief PBGen. Andre Dizon ang drug test at sinundan siya ng kanyang mga staff at ilang head unit sa MPD headquarters.

Ayon kay Police Maj. Philipp Ines, hepe ng PIO MPD, isinagawa ang sorpesang drug test para malaman kung may mga kabaro silang gumagamit ng illegal na droga.

Bahagi din umano ng internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) matapos na mag positibo sa drug test ang hepe ng Mandaluyong police na si Col. Cesar Gerente.

AUTHOR PROFILE