Pangilinan

Supporters ni Sen. Kiko, na-offend sa tweet ni Kakie

April 27, 2022 Vinia Vivar 124 views

UMANI ng negatibong reaksyon mula sa supporters ng ama niyang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang isang recent tweet ni Frankie “Kakie” Pangilinan na kahit binura na ng dalaga ay patuloy pa ring tumanggap ng banat sa Twitter world.

As of presstime ay deleted na ang controversial tweet ni Kakie at nag-sorry pa ang dalaga nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko sa mga na-offend dito.

Mula sa comments ng netizens, malalaman na may kinalaman sa isang quote card tungkol sa pagiging “complacent” ang isyu.

Bilang nag-aaral sa Amerika, hindi nga nakakatulong si Kakie sa pangangampanya ng ama na tumatakbo sa pagka-Bise Presidente ngayong May elections.

Tweet ni Kakie: “I will be deleting that quote tweet because I clearly hurt some people whom (I would like to clarify) it was not at all directed to. I just learned some information from the thread and thus thought it pertinent to share. certainly meant no disrespect. and i’m very sorry!!”

Hindi raw directed ang pinag-initang tweet sa active volunteers, kundi reminder lamang sa “casual” supporters “who may be more likely to believe that due to rally turnouts and socmed noise that this battle is getting easier,” paglilinaw ni Kakie.

May mga nagtanggol sa kanya at nagsabing sana ay makasama na siya at ang half-sister niyang si KC Concepcion (na nasa Amerika rin) sa pangangampanya dahil malakas ang impact ng magiging presence nila sa ground.

Kaso bilang ambassador daw ng Unicef, bawal mangampanya si KC dahil neutral ang nasabing international organization.

To be fair, may video endorsement naman si KC na ipinost sa kanyang Instagram account recently.

Medyo maasim naman ang sagot ni @kausapnamandyan na nagsabing, “sorry ha? nakakapagod din. from day 1 kameng volunteers hindi iniwan tatay mo, sana makitaan din namen KAYO ng effort to do the same — be like the robredo sisters, nag H2H sumasama sa rallies, pinapakita sa tao na andyan sila. KAYO ba? puro tweet nalang? Napapagod din kame kakie.”

Pagsang-ayon naman ni @rvk0128, “huling linggo sana naman makita din sila sa pag-h2h.”

“D mo naman maeencourage mga tao kung sasabihin mo tatamad-tamad sila. Kung ako sayo, magH2H ka para alam mo feeling. Mukhang kelangan mo maarawan,” komento naman ni @iceferj.

Sa mga sumunod niyang tweet, ipinahayag ni Kakie na, “I have this constant need to overexplain myself that i think comes from a lifetime of things having the potential to be either misinterpreted or misconstrued when i speak… but that’s not natural. it’s learned. and i am still learning. baka din unlearning hahaha.

“y’all have seen me grow up and it’s humbling to think of but for the first time din in my whole life i’ve realized that i can draw boundaries, and can likewise allow myself privacy.

“i want to still be able to keep some things, kung di posibleng absolutely private, edi more lowkey. and i hope that’s ok.”

Samantala, wala pa kaming nabasang reaction tweet nina Sen. Kiko at Sharon sa nasabing isyu.

NAMILI NG PROPERTY SA ILOCOS

ni-reveal ni Lolit Solis na bumili na ng property sa Ilocos si Coco Martin at ang alaga niyang si Lorna Tolentino.

Nagustuhan nga raw nina Coco at LT ang Ilocos kung saan sila nagte-taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Dahil sa Probinsiyano na sa Ilokos nag-taping, buy na si Lorna Tolentino at Coco Martin ng property duon. Nagandahan sila at nagustuhan ang ugali ng mga Ilokano kaya naman naisip nila na kahit tapos na ang taping, puwede parin sila pumunta duon at mag-stay ng matagal dahil nga sa ganda ng lugar,” balita ni ’Nay Lolit sa kanyang Instagram.

Gagawin daw bakasyunan nina Coco at Lorna ang nabiling property.

“Tuwang-tuwa sila Coco Martin at Lorna Tolentino na kahit maliit lang ang property nilang nabili meron na silang pupuntahan pag nami miss nila ang Ilocos.

“Talagang gandang ganda si Lorna at Coco sa mga tanawin at sa malinis na dagat kung saan sila nag-taping. Sabi nga ni Lorna Ilokana na siya, at balak niya na lagi ay magbakasyon duon,” lahad pa ni ’Nay Lolit.

AUTHOR PROFILE