Ruffa

Ruffa, nagpagawa at namigay ng campaign T-shirts ni Herbert

April 27, 2022 Jun Nardo 92 views

HE motivates me and guides me,” patungkol ni Ruffa Gutierrez kay Senatoriable Herbert Bautista nang matanong sa launching ng bagong negosyo na Gutz & Glow.

Ang tapusin ang college education ang isa sa mga nagawa ngayon ni Ruffa dahil na rin sa motibasyon at guidance ni Herbert.

Sa July ay graduate na si Ruffa ng kursong Bachelor of Arts major in Communication Arts sa Philippine Women’s University sa ETEEAP (Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program) para sa working students.

Pero diin ni Ruffa, “I think ang kailangan natin sa buhay para mag-glow tayo ay ‘yung nagbibigay sa atin ng encouragement. We’re just in the process of getting to know each other. I just want to take my time. I’m a long-termer. I’m not into whirlwind romances. I want things slow and steady. I am focused on my career and on improving myself.”

So, wala pang relasyon sina Herbert at Ruffa pero bilang tulong sa kampanya niya, nagpagawa at namigay siya ng campaign t-shirts na may picture at pangalan ni Herbert, huh!

NAKAKALULA ANG TITLES

TATLONG milyon and counting na ang subscribers ng Vivamax, ang number one streaming platform ngayon.

Eh, ngayong summer, inilunsad ng Vivamax ang kanilang Summer To The Max kung saan sari-saring contents ang handog nila sa taumbayan.

Nakakalula sa dami ng titles na mapagpipilian ang manonood. Nariyan ang movies ng A-list stars ng Viva gaya nina Nadine Lustre, Bella Padilla, Vice Ganda at iba pa pati na ang magdadagdag-init na gaya nina Angeli Khang, AJ Raval, Christine Bermas at marami pang iba.

Ayon nga kay Boss Vincent del Rosario, mas better off ang finances ng Viva ngayon dahil sa Vivamax, huh!

AUTHOR PROFILE