Default Thumbnail

Sunog sa Binondo sumiklab habang bumabagyo

August 31, 2023 Jonjon Reyes 274 views

TINUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng storage commercial sa panulukan ng San Vicente at Tomas Pinpin St. sa Binondo, Manila Huwebes ng umaga.

Ayon sa report kay Police Lieutenant Colonel Rexon Layug, commander ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, bandang 6:30 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Hwan Lim Hong Lian storage commercial sa nasabing lugar.

Agad na rumesponde ang kanyang mga tauhan para masiguro na walang mapagsamantala at nakawan na magaganap habang nasusunog ang complex.

Sa report ni Fire Senior Supt.Christine Doctor- Cula, dakong 6:38 ng umaga nang ideklara 1st alarm ang sunog at bandang 6:51 ng umabot ito sa ika-2 alarma.

Ideneklarang fire under control dakong 7:40 ng umaga.

AUTHOR PROFILE