Dizon

MPD nanguna sa libreng sakay sa Maynila

August 31, 2023 Jonjon Reyes 479 views
MPD
LIBRENG SAKAY–Agad na iniutos ni MPD Chief PBGen. Andre Dizon sa mga pulis na magsagawa ng serbisyong libreng sakay sa publiko matapos ang walang tigil na ulan sa magdamag dulot ng bagyong Hannah. Kuha ni Jon Jon Reyes

DAHIL sa walang tigil na ulan sa buong magdamag, matinding baha ang bumulaga sa mga residente ng Metro Manila

Madaling araw nang umapaw sa lansangan dulot ng bagyong Hannah kaya’t nagkaroon ng libreng sakay ang Manila Police District para sa mga stranded na pasahero..

Agad na nagsagawa ang mga tauhan ng District Mobile Force Battalion ( DMFB), sa pangunguna ni Police Captain Mark Anthony Panganiban, ng libreng sakay para sa mga stranded na pasahero sa direktiba ni Police Colonel Julius Añunuevo at ni MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon.

Nagsimula ang libreng sakay bandang 5:00 ng umaga sa kahabaan ng Taft Avenue, A. Mabini at Pedro Gil St., sa United Nations Avenue, Carriedo, Claro M. Recto Avenue pabalik ng Taft Avenue sa Ermita, Manila.

Ayon kay Police Major Philipp Ines ng Public Information Office ( PIO), layunin ng heneral sa libreng sakay na tulungan makauwi at makapasok sa trabaho.

AUTHOR PROFILE