wes gatchalian

Northern Metro Manila binaha nang todo

August 31, 2023 Edd Reyes 178 views

BINAHA ang maraming lugar sa northern area ng Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na malakas na ulan na nagsimula Huwebes ng madaling araw dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Goring.

Sa ulat ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian, lumalim ng lagpas-tuhod ang baha sa McArthur highway sa may T. Santiago Cuevas, Footbridge, Wilcon, G. Lazaro sa may Dalandanan pati na sa kanto ng M.H. Del Pilar St. at Arkong Bato at Bypass sa Veinte Reales.

Dahil sa kawalan ng masasakyan, nagpasiya silang buhaying muna ang Libreng Sakay sa McArthur Highway mula G. Lazaro sa Dalandanan, terminal ng Veinte Reales sa may Toyota McArthur Highway, Polo Plaza, Arkong Bato, Wiloil Lingunan at Mayer Lingunan.

Sa Navotas City na dating sentro ng mga pagbaha, umabot lang ng halos tatlong pulgada ang baha sa M. Naval St. mula Bacog St. hanggang Paltok at Estrella St. patungo sa Navotas City Hall.

Binaha rin ang P. Aquino sa Brgy. Tonsuya, pati na sa C. Arellano, F. Sevilla, Rizal Avenue sa Gen. Luna at St. James, Women’s Club sa Naval, Don Basilio M. Sioson sa Brgy. Dampalit, Pampano St. at ang Tinajeros Bridge.

AUTHOR PROFILE