Kelot KULONG–Ang mga naarestong suspek sa panghoholdap gamit ang mga improvised na baril kasama ang pen gun. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 kelot swak sa selda dahil sa baril

August 31, 2023 Jonjon Reyes 199 views

NASAMPOLAN sa umiiral na gunban ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang matimbog sa Kapitan Tikong St., Malate, Manila, Miyerkoles ng umaga.

Kapwa nahaharap sa robbery at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition in relation to Omnibus Election Code ang mga suspek na sina Jimboy, 32, at alyas Bryan, 26.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, Commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, bandang 6:30 ng umaga nang matimbog sa inilatag na follow up operation ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek.

Una rito, habang naglalakad ang biktima na isang 29-anyos na binata biglang sumulpot ang mga suspek at tinutukan ito at pwersahang kinuha ang kanyang mga gamit bandang 8:30 ng umaga.

Kabilang sa mga nakuhang gamit ng biktima ang kanyang wallet na may laman na P14, 000.

AUTHOR PROFILE