Dizon1 SERYOSO–Nagbigay ng pahayag si MPD Chief Police Brig.Gen. Andre P. Dizon sa mga mamamahayag kaugnay sa mga nakumpiskang mga baril at deadly weapons. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 baril nakuha sa checkpoint sa Maynila

August 31, 2023 Jonjon Reyes 517 views

SINABI ni MPD Director P/Brig.General Andre Dizon na mayroon nang nahulihan ng baril sa election gun ban sa kanilang mga checkpoint sa Maynila.

May lima nang naaresto simula nang maglagay ng mga checkpoints noong Agosto 27 ng gabi sa maraming lugar sa Maynila, sabi ng heneral.

Mayroon nang dalawang baril at tatlong deadly weapons na nakumpiska sa iba’t ibang presinto sa Manila Police District

Ayon pa sa heneral, tuloy-tuloy ang random checkpoints habang umiiral ang election period.

AUTHOR PROFILE