Mendoza

Senate hearing sa QC road rage welcome sa LTO

August 31, 2023 Jun I. Legaspi 234 views

WELCOME kay Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang pagdinig ng Senado tungkol sa road rage incident na kinasasangkutan ng dating pulis na si Wilfredo Gonzales at isang siklista sa Quezon City.

Sa ilalim ng patnubay ni Transportation Secretary Jaime Bautista, sinabi ni Mendoza na maipakikita sa pagdinig ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng lansangan gayundin ang kaligtasan ng mga motorista at siklista.

Ayon kay Mendoza, “The Senate inquiry is a testament that road rage incidents certainly involve and relate with public order and safety.

Ang ganitong mga klase ng insidente ay hindi basta-basta dapat pinapalampas dahil kaligtasan ng mga motorista at ng mga mananakay ang nakasalalay dito.”

Sinabi ni Mendoza na maaaring maging daan ang pagdinig para isaisip ng publiko na pantay na pribilehiyo ang paggamit ng lansangan.

Kapwa naghain ng kanilang resolusyon sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senadora Pia Cayetano para imbestigahan ang road rage incident.

Makikita sa kumalat na video ang pagbunot ng baril ni Gonzales sa nakaalitang siklista matapos umanong paluin nito ang minamanehong sasakyan.

AUTHOR PROFILE