Star Magic at Mavx, sanib-pwersa sa tatlong pelikula
Magandang simula at pagsalubong sa 2023 ang pagsasanib-pwersa ng talent management na Star Magic at game-changer film outfit na Mavx Productions.
Ang samahang ito na naging parte ng year-long celebration ng ika-30 anibersaryo ng ahensya. Makakatulong na pataasin ang kasiningan at self-discovery, paghilom at pag-asa sa pamamagitan ng tatlong mga pelikula na pinangungunahan ng ilan sa pinakamagagaling na artista ng Star Magic.
“We are both thrilled and honored about this collaboration with Mavx Productions’ knowing the productions’ growing reputation for creating heartwarming, scenic and critically-acclaimed films in the business. We hope that the three films, I Love Lizzy, Unravel and The Swing can spark inspiration, redemption and change among the viewers and strengthen the love for local films,” sabi ni Direk Lauren Dyogi, pinuno ng Star Magic.
Ang una sa tatlong pelikula ay ang romantic-drama film na I Love Lizzy, na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Barbie Imperial at ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa January 18.
Istorya ito ng isang hometown party girl na masusubok ang tadhana at tiwala nang magkrus ang landas nila ng isang seminarista.
Ang real-life couple naman na sina RK Bagatsing at Jane Oineza ang mga bida The Swing.
Ito ay isang adult love story tungkol mag-asawang sinububukang isalba ang kanilang relasyon sa kakaibang paraan.
Kung ano man ang kanilang madidiskubre sa pag-ibig at buhay mag-asawa, ay siyang susi sa kasagutan ng kanilang relasyon.
Kukumpleto sa hanay ng tatlong pelikula ang Unravel na pinagbibidahan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson sa kakaibang istorya tungkol sa practice ng assisted voluntary death, isang legal na gawain sa ilang bansa sa Europa.
Ang tatlong movies ay sa ilalim ng direksyon ni RC delos Reyes, direktor ng Alter Me.
“Star Magic has been discovering and honing talents the last three decades and these three films featuring their artists will serve as the shining testaments of the agency’s notable experience and stature in the Philippine entertainment industry,” sabi ni Delos Reyes.
Ang Mavx Productions, Inc. ang prodyuser ng Ikaw, A Faraway Land at Doll House.
Katuwang ang Star Magic, layunin nito na hamunin ang mga pamantayan at nakagawiang mga pelikula sa pamamagitan ng pag-eksperimento ng mga makabagong konsepto, iba’t ibang lokasyon at makapigil-hiningang destinasyon.