Sarah Geronimo

Sarah, umamin na pinanghinaan ng loob sa pagpe-perform

January 8, 2023 Ian F. Fariñas 242 views

SA kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Sarah Geronimo na pinanghinaan siya ng loob sa lahat ng pinagdaanan sa buhay pero handa na siyang lumaban muli sa buhay at karera.

Sa kanyang pagbabalik-guest kahapon sa ASAP Natin ‘To stage para i-promote ang latest single niyang Sansinukob Salamat sa Viva Records at G Productions, sinabi ng Popstar Royalty na masaya siya dahil nagkaroon uli siya ng courage na bumalik sa pagpe-perform.

“Marami pong mga dumaan sa buhay ko na nagpahina ng aking loob, ng aking paghinga. Nakaapekto po ‘yun lahat sa akin pero tinulungan po ako ng Panginoong Diyos na bumangon ulit at yakapin ‘yung talento na binigay Niya sa akin and, of course, ‘yung inspirasyon na galing, unang-una, sa Kanya, pangalawa po sa mga mahal ko sa buhay, sa aking pamilya, at ngayon ang aking asawa din at sa inyong lahat po, Tito Martin, kayo po, inspirasyon ko po kayo. Grabe talaga po ‘yung inspirasyon na naibibigay n’yo sa akin na tuluy-tuloy lang. Hangga’t meron, tuluy-tuloy lang. Happy New Year po! Walang iyakan! Hahaha!” turan ni Sarah sa ASAP hosts na sina Martin Nievera at Robi Domingo.

Dagdag pa niya, “I am starting the year with a grateful heart. Maraming salamat, Lord, maraming salamat sa aking pamilya, Popsters, sa aking ASAP Natin ‘To family, ABS-CBN family, sa lahat po ng Popsters, sa lahat po ng nakaka-appreciate ng aking mga original songs at sa mga nakatrabaho ko on this album, thank you very much po. And now, I’m offering another single, my latest single, Sansinukob Salamat, sana po ay magustuhan n’yo.”

Sabi naman ni Martin, magandang aral sa lahat ang katulad ni Sarah.

“If the likes of Sarah Geronimo can take a pause and stop and smell the flowers, Sarah was able to show us all that she is able to take a pause and talent will always prevail. Because of her amazing talent, she is still with us. She never missed a beat. She paused in her life but in our life, you’re still the one and only Sarah Geronimo,” anang concert king.

Samantala, available na sa iba’t ibang streaming platforms ang Sansinukob Salamat pati na ang Dati-Dati at Cuore.

AUTHOR PROFILE