MPD Namigay ang mga kapulisan ng MPD PS 2 ng bulaklak sa mga dumadaan sa kahabaan ng Juan Luna at Dagupan Sts., sa Tondo at sa mga nakapiit na bigay naman ng Barbosa PS 14. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Spread the love’ handog ng MPD

February 14, 2023 Jonjon Reyes 490 views

MPD1SA pagdiriwang ng Valentine’s Day” ay naglunsad ang Manila Police District (MPD) Moriones Police Station (PS) 2 ng mga “heart-shaped” na Valentines memorabilia sa mga nagagawi at mga vendor sa Divisoria, sakop ng Tondo, nitong Martes.

Layunin ni Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll, station commander , na “mapalapit” ang mga mamamayan sa mga kapulisan upang magkaroon ng tiwala at mawala na ang kanilang “agam-agam” na sasamantalahin ang kanilang kahinaan.

Dahil dito inilunsad ang “Spread the love” na nagsimula ng bandang 7:30 ng umaga sa panulukan ng Claro M. Recto at Dagupan Street, malapit sa Police Community Precinct (PCP) na pinamumunuan ni SMS Gerardo Tubera.

Kasabay nito, naglunsad din ang MPD Forensic Unit sa Light Rail Transit Line 1 sa Central Station sa Arroceros St. sa Ermita, hanggang sa Carriedo Station.

Maging sa tabi ng Isetann sa sangay ng Recto ay namigay din ang mga pulis ng mga bulaklak.

Ayon kay P/Col. Julius Añonuevo , commander ng District Mobile Force Batallion (DMFB), namigay ng mga bulalak sina P/Lt. Col. Edmar Dela Torre, hepe ng MPD Forensic Unit, kasama si P/Maj. Liza Octaviano, assistant chief.

Nagsagawa din ng pamimigay bulaklak ang mga station commanders ng MPD na sina P/Lt. Col. Rosalino Ibay (PS 1), P/Lt. Col. Harry Lorenzo III (Moriones PS 2), P/Lt. Col. Ramon Czar Solas (MPD Station 3), at P/Lt. Col. Wilson Villaruel (Sampaloc Station 4).

Nakibahagi din sa aktibidad sina P/Lt. Col. Leandro Gutierrez (Ermita PS 5), Orlando Mirando Jr. (Sta. Ana PS 6), P/Lt. Col. Jonathan Villamor (Abad Santos PS 7), P/Lt. Col. Dionnel Brannon (Sta. Mesa PS 8), P/Lt. Col. Salvador Tangdol (Malate PS 9), P/Lt. Col. Maria Ogbon (Pandacan PS 10), P/Lt. Col. Rex Layug (Binondo PS 11), Restito Acohon (Delpan PS 12), P/Lt. Col. Rodel Borbe (Baseco PS 13), at P/Lt. Col. Roberto Mupas (Barbosa PS 14).

Bahagi ng nasabing programa na may temang “Harana ng pulis para sa araw ng mga puso”at sa ilalim ng Kasimbayana Feb-ibig sa Maynila para ilapit ang kapulisan sa taumbayan at magtulungan kontra kriminalidad.

AUTHOR PROFILE