South Korean

South Korean mystery-thriller hit, eksklusibo sa Vivamax

June 15, 2021 People's Tonight 200 views

Mga nakakapangilabot na pangitain ng mga aksidente. Post-traumatic na pagkawala ng memorya. At ang paghahanap ng isang babae sa katotohanan ng kanyang nakaraan.

Inihahandong ng Viva International Pictures at MVP Entertainment ang number one mystery-thriller film ng South Korea ngayong 2021, ang Recalled.

Tampok dito ang dalawa sa mga prominenteng aktor ng South Korea, sina Seo Yea-ji (It’s Okay to not be Okay) at Kim Kang-woo (The Missing).

Ang Recalled ay tungkol kay Soo-jin (Seo Yea-ji), isang babae na may post-traumatic memory loss dahil sa isang aksidente.

Kasama niya sa pagpapagaling ang kanyang asawa na si Ji-hoon (Kim Kang-woo).

Pero habang nagpapagaling siya, nagsimula siyang makakita ng mga nakakapangilabot na pangitain. Lumala pa ang kaniyang sitwasyon noong nalaman niya mula sa kaniyang katrabaho ang sikreto tungkol sa kanyang asawa.

Ito ang naging simula ng kanyang laban para malaman ang katotohanan tungkol sa kanyang nakaraan.

Saan dadalhin si Soo-jin ng kanyang paghahanap sa katotohanan?

Maganda ang reception na nakuha ng Recalled sa takilya, kaya naman nag-number one ito sa Korean box office sa unang araw ng release noong April, at nanatili ito sa number one hanggang sa opening weekend, kung saan nakapagtala ito ng 136,040 cumulative audiences.

Noong May 17, 2021, ang Recalled ay nasa fifth place sa lahat ng mga Korean film na inilabas ngayong 2021.

Nagtala ito ng gross na US$2.61 million at 327,117 admissions.

Alamin ang katotohanan sa likod ng mga misteryo sa Recalled bukas, June 17, exclusively streaming sa Vivamax.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net para mapanood ang Recalled.

Maaari ring i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee, Lazada, PayMaya Shop at Comworks Clickstore.

AUTHOR PROFILE