Vice ganda

Dating sakit ni Vice Ganda, bumalik

June 15, 2021 Vinia Vivar 1618 views

Inamin ni Vice Ganda na hindi okay ang kalusugan niya ngayon dahil bumalik na naman ang kanyang dating karamdaman.

Sa latest YouTube vlog ni Ogie Diaz kung saan ay si Vice Ganda ang kanyang guest, ipinagtapat ng Unkabogable Star na may na-detect na namang crystals sa kanyang kidney.

Matatandaang taong 2018 ay sumailalim si Vice sa isang operasyon para tanggalin ang mga bato sa kanyang kidney.

Pero last week, kwento ni Vice, sobrang sakit na naman ang naramdaman niya nang umihi siya.

“Pag-ihi ko, biglang nahinto. Paghinto, ang sakit, sobrang sakit na naiyak ako. Tumulo ‘yung luha ko sa sakit. Tapos, biglang naihi na naman siya. Sabi ko, parang may nakabara, ang sakit,” kwento ni Vice.

Kaya agad daw niyang pina-test ang urine niya.

“Pina-test, ‘yun nga, may crystals na naman ako, nagpu-form na naman ako ng crystals, tapos may blood ‘yung urine ko.

“Sabi ko, ‘bakit, eh, ang lakas ko namang magtubig? Hindi ako mahilig sa maalat.’ Sabi niya (ng doktor), ‘may ganu’ng tao talaga, stone former sila talaga, crystal-former sila kaya kailangan mong magpa-check nang magpa-check para maagapan.’”

Kaya ngayon ay hindi na naman daw siya okay at nagme-medication na naman siya.

“So ngayon, naggagamot na naman ako. So, physically, I am not okay na naman. Tapos ‘yung takot ko na ‘naku, ayoko na ulit magkasakit sa bato.’ Kasi sobrang sakit nu’n. ‘Yung ’pag umatake ‘yung sakit sa bato, sobrang sakit. Excruciating ‘yung pain. Malala,” saad ni Vice.

JENNYLYN, PUMAYAG MAKAPAREHA SI PAOLO

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatambal ni Paolo Contis ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa one month special ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Matagal na natigil ang nasabing programa dahil sa pandemya at ngayon lang ulit magbabalik with fresh episodes.

Matagal nang magkasama sa GMA-7 ang dalawa pero ngayon lang sila pinagtambal sa isang show and Jen agreed to be paired off with Paolo with no qualms.

Isang romantic-comedy ang tema ng pagsasamahan nina Jen and Pao na may titulong Last People on Earth.

Palibahasa’y pareho nila itong forte, take one lahat ang kanilang scenes. Kaya naman maaga silang natatapos sa taping at maaga silang napa-pack-up.

Sa July 18 na magsisimula ang Last People on Earth at mapapanood ito for four consecutive Sundays.

Ito ay mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

AUTHOR PROFILE