Sinigang

Sinigang isa sa ‘100 best dishes in the world’

December 21, 2023 People's Tonight 400 views

NAISAMA ang Pinoy sinigang sa listahan ng “100 best dishes” sa buong mundo, ayon sa kilalang online food guide na Taste Atlas.

Sa inilabas na listahan ng Taste Atlas sa kanilang website, naging top 97 ang sinigang matapos itong makakuha ng rating na 4.48/5.

Sa paglalarawan ng online food guide, itinuturing na maasim na Filipino soup ang sinigang na binubuo ng sampalok (bunga ng puno ng sampalok), kangkong, sili, repolyo, broccoli, talong, hiniwang kamatis at sibuyas, luya, bawang, green beans, patis, at asin.

“The basic broth usually consists of rice washing, with the addition of a souring agent,” ayon sa Taste Atlas.Maaring idagdag sa sabaw ang karne ng baboy, isda, bangus, hipon, manok, baka, at iba pa.

“Sinigang is traditionally served piping hot as a main dish, with rice as its accompaniment. It’s an often seen dish at special occasions such as birthdays or weddings, and over time, as the dish became more popular, there were new variations that used guava or raw mango instead of sampalok, and each region developed their own version of the popular soup.”

Dagdag pa nito, dahil sa asim na sumasapat sa mainit na klima ng bansa, ang sinigang ay isang natatanging soup na tunay na kinakatawan ng lutuing Pilipino.

Ang Taste Atlas ay nakakuha ng “100 best dishes in the world” mula sa 10,927 uri ng pagkain na ni-rate ng 395,205 mga gumagamit, kung saan 271,819 ang naging valid na rating.

AUTHOR PROFILE