Adobo

MAGLUTO TAYO!

March 2, 2024 People's Tonight 316 views

TAYONG mga Pinoy ay kilala sa buong mundo sa hilig nating magluto at pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng paghahanda ng masasarap ng pagkain. Ang corner na ito ay bukas sa mga mahilig magpabusog at magpalusog ng kanilang mga pamilya at kaibigan sa pamamagitan ng kanilang espesyal na luto. Maaaring magbigay ng special o minanang recipe sa corner na ito.

Ipadala lamang ang inyong recipe, litrato ng putahe, buong pangalan at cellphone number sa [email protected].

AdoboAdobo Fried Rice na may Oyster Sauce

Ni MAMA SITA
Para sa 4 na tao.

Mga Sangkap

1¼ tasa Bigas, nahugasan 225 g

2 tasa Tubig 500 mL

Para sa sarsa:

2 kutsara Cooking oil 30 mL

3 kutsara Bawang, dinikdik 21 g

1 piraso Dahon ng laurel

1/8 kutsarita Paminta

¼ tasa Tubig 60 mL

2 kutsara Mama Sita’s Sukang Tuba 30 mL

1 pakete Mama Sita’s Oyster Sauce 60 g

1 kutsarita Mama Sita’s Liquid Seasoning 5 mL

1 kutsarita Asin 3 g

Pagluluto

1. Initin ang cooking oil sa isang wok. Dagdagan ng bawang at lutuin hanggang bumango ito. Dagdagan ng laurel at paminta.

2. Lagyan ng tubig at Mama Sita’s Sukang Tuba. Pakuluin. Hintaying kumulo at babaan ang init. Pakuluin ng 2 minuto.

3. Ihalo ang Mama Sita’s Oyster Sauce at Mama Sita’s Liquid Seasoning. Idagdag ang asin. Haluing mabuti.

4. Sa isang rice cooker o kaserola, ipaghalo ang nahugasang bigas at tubig.

5. Idagdag ang nailutong adobo sauce. Haluing mabuti. Ilagay ang takip at lutuin ang kanin.

6. Pagkatapos maluto ang kanin, isilbi sa malaking pinggan. Lagyan ng pritong bawang sa ibabaw bilang garnish.

Preparation time: 10 minutes

Cooking time: 10 minutes (cooking adobo sauce); 35 minutes (cooking rice)

Yield: 618 g (4 cups) rice; ½ cup (125 mL) adobo sauce

Difficulty: beginner

AUTHOR PROFILE