Default Thumbnail

Simoy Pasko sa SM City Camanava!

November 4, 2023 Marlon Purification 264 views

Marlon PurificationRAMDAM n’yo na ba ang malamig na simoy ng hangin sa labas?

Lalo na tuwing sasapit ang dapithapon hanggang pumikit ang araw sa magdamag at magbukang liwayway.

Palatandaan na nalalapit na ang inaabangang Pasko — ang tradisyunal at Banal na Pagdiriwang ng Araw na kapangakan ng Dakilang Maylikha.

Tunay na sa buong mundo, isa ang Pilipinas sa may pinakamahabang ‘preparasyon’ upang ipagdiwang ang Kapaskuhan.

Kaya naman diyan sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area ay abala ngayon ang pamunuan ng SM Shoemart upang ipalasap, ipalanghap at ipadama ang diwa ng Pasko.

Naglagay sila ng nakamamangha at nakaaakit na ‘Christmas display’ sa SM City Valenzuela at SM Center Sangandaan sa Caloocan City.

Inilatag ito noong Oktubre 27 at 28 na lalong nagbigay sigla at pag-asa sa mga mall goers na anumang hirap ng buhay o problemang tinatamasa ng bawat isa sa atin ay mayroong okasyon na magbibigay sa atin ng pag-asa at sigla.

Tulad ng nakalagay na magagandang ‘centerpiece’ sa loob ng SM City Grand Central sa Caloocan. Makukulay ang malalaking ‘Letter Blocks’ na nakalatag dito kung saan nakasulat ang bawat letra ng ‘Grand Holidays!’

Nagbabago ang kulay at kislap ng mga ilaw nito mula sa makikinang na led lights.

“This larger-than-life installation is poised to be the pièce de résistance of the season, with its mesmerizing shifting hues that change seamlessly from rich reds to tranquil blues, creating a captivating visual symphony,” nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng SM Camanava management.

Nakadagdag-akit sa ‘christmas display’ ang ‘star poles’ at reindeers’ at ang ‘gigantic red chair at sleigh’ ni Santa Klaus na siguradong ‘instagramable’ sa mga parokyano ng SM malls.

Sa SM City Valenzuela ay tangan naman nila ang inspirasyon ng “Christmas on Parade” sa Pacific Place. “Christmas in Transit centerpiece promises to transport shoppers on a whimsical journey through the holiday season,” sabi pa ng SM Valenzuela.

Nasa ‘center stage’ nito ang ‘kabighabighaning’ Santa Klaus at iba pang makukulay na Christmas display.

“This vibrant display encapsulates the joyous anticipation of travel and reunions during the holiday season, resonating with families and individuals alike,” sabi pa ng SM Valenzuela.

Buhay na buhay din ang mga palamuti sa SM Center Sangandaan na higit pinatingkad mula sa nakabibighaning kulay ng ginto, berde at pula na sumisimbolo sa tradisyunal na pagdiriwang ng Pasko.

“The colors of the season are very much alive as SM Center Sangandaan decks the halls with the sparkling timeless charm of gold, green, and red, symbolizing the time-honored traditions of Christmas. Comprising a breathtaking ensemble of Christmas trees of varying heights and a constellation of stand-alone brilliant stars, SM Center Sangandaan’s Centerpiece is a dreamy visual spectacle that is sure to linger in the hearts of all who behold it,” sabi naman ng SM Center Sangandaan.

Kasabay ng mensahe ng pag-asa, kaligayahan at pagmamahalan, kabigha-bighani rin ang 30-feet giant Christmas trees na may mga makikinang na Christmas balls at iba pang kaakit-akit na palamuti na higit na pinaningnging ng “The repurposed Christmas trees will not only serve as a seasonal centerpiece in the malls but also an opportunity for shoppers to create lasting moments with family and friends through a picturesque, unique Christmas attraction,” dagdag pa nila.

Inihayag ng SM Camanava na habana papalapit ang Pasko, asahan ang pagbibigay nila ng iba pang saya, sigla at sorpresa sa bawat pamilya at indibiduwal na papasyal napakagandang mall abot kaya ang paninda.

Anang SM, may mga inihanda silang palabas, patimpalak at surpresa.

“SM’s holiday centerpieces have been a part of the longstanding tradition that ushers in Christmas time in the cities where SM has malls. SM Supermalls’ holiday centerpieces will be on display until January 7, 2024. Shoppers are invited to bask in the joy of the season and create special moments with their loved ones,” pahayag pa ng SM management.