Sikyu Himas-rehas ang suspek na sikyu matapos matiklo. Kuha ni JONJON C. REYES

Sikyu tiklo sa 2 beses na ‘kalaswaan’

March 6, 2024 Jonjon Reyes 149 views

NATIKLO ang isang 44-anyos na sikyu ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section and Intelligence ng Manila Police District – Baseco Police Station 13 dahil sa paglabag nito ng dalawang beses sa Section10(a) R.A. 7610 ng R.A. 10175 (act of lasciviousness) sa panulukan ng 2nd St. at M.D Takoma sa Brgy. 649,Port Area, Manila, Martes ng gabi.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Mike Gomez bandang 6 p.m. ng damputin nina PCapt. Mel Soniega at PLt.Henry Mariano ang suspek na nakilalang si alyas “Romy”, ng Old Sta Mesa St.,Sampaloc, Manila.

Una nang inireport ang umano’y krimen ng sikyu sa pamamagitan ng Warrant and Intelligence sa lalawigan ng Obando MPS, Bulacan PPO, sa pangunguna ni Police Major Mark Anthony Tongson.

Dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo Altajeros, ng Regional Trial Court (RTC ) Branch 172, ng Valenzuela City na may petsang January 11, 2024 nasundan ang akusado sa pinagtataguan nitong lugar sa Baseco.

Nagrekomenda ng P80,000 piyansa sa bawat kaso para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Nagpahayag naman ng mensahe si PLt.Col.Mike Gomez sa mga kriminal na wag silang magkakamaling gawing taguan ang kanilang area of responsibility.

Aniya, walang lugar ang mga kriminal sa Baseco.

AUTHOR PROFILE