Sikyu pinaputukan sumugod na may icepick, sumuko

August 17, 2021 Francis Naguit 99 views

ISANG security guard ang sumuko sa pulisya nang paputukan ang di pa kilalang suspect na sumugod sa kanya sa Gordi Plaza Dormer sa Legarda Street, Quiapo, Manila, nitong August 16, 2021.

Ayon sa imbestigasyon, kinilala ang security guard na si Jason Lacaba, 40, single, security guard ng Gordi Plaza, naninirahan sa 2010 –D ng Legarda St., Quiapo.

Ang sumugod na may icepick ay may edad na 20 – 25, maikli ang buhok, 5’3 ang taas, nakasuot na asul na sando, maroon na short,pants na may tatak na FLY EMIRATES, at tattoo sa kanyang likuran at dibdib.

Ayon kay Lacaba, habang siya ay naka-duty sa nasabing gusali, ang di kilalang suspect ay sumugod sa kanya kung kaya’t pinaputukan niya ito sa katawan ng kaniyang service pistol.

Si Lacaba ay sumuko sa mga otoridad mula sa Barbosa police station.

Si Lacaba ay naka-detine sa MPD custodial facilities para sa imbestigasyon kaugnay ng insidente. Ni Francis Naguit & JonJon Reyes

AUTHOR PROFILE