‘Leader’ ng Delio Drug Group arestado ng PS-5

August 17, 2021 Francis Naguit 93 views

INARESTO ng Manila Police District Police Station 5 (MPD PS-5) sa pangunguna ni PS-5 Commander Evangeline B. Cayaban, hepe ng MPD PS-5, at kaniyang mga tauhan ang umano’y leader ng Delio Drug Group.

Kinilala ang suspect na si Rodelio Moreno, binata, 47, walang trabaho, residente ng 1941-A Maria Orosa St., Malate, Manila.

Si Moreno ay inaresto kaugnay sa kasong paglabag ng Section 5 and 11 o selling Selling or possession of dangerous drugs.

Si Moreno ay nasa kustodya o pangangalaga ni PCpl. Mark Jonald Jose, hepe ng SDEU PS-5.

Ang pag-aresto ay pinangunahan ni PMAJ Chey Chey Saulog, hepe ng SDEU.

Nakumpiska umano kay Moreno ang dalawang sachets ng suspected shabu at isang P500 na marked money.

Ang kumpiskadong ebidensya ay tinatayang aabot sa 4.70 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P31,960.

Ang nakumpiskang drug paraphernalia ay inilagak sa MPD Crime Labarotory office para sa kaukulang examination.

Si Moreno ay nakatakdang iharap sa tanggapan ng City Prosecutor’s Office para sa inquest proceeding. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE