Default Thumbnail

‘Sikyu’ na MC rider, patay sa aksidente sa Batangas

June 14, 2022 Jojo C. Magsombol 423 views

PATAY ang isang 39-anyos na security guard ng beach resort kamakalawa matapos aksidenteng mawalan ng kontrol ang sinasakyang motorsiklo habang binabaybay ang Bgy. Nagsaulay Road, sa San Juan, Batangas.

Kinilala ni San Juan Municipal Police Station (MPS) top cop Maj. Rheden M. Manalo ang nasawi na si Christopher Carandang, may asawa, security guard sa Virgin Beach Resort, at residente sa Bgy. Abung, San Juan.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng San Juan MPS mula sa isang concerned citizen at inireport na may biktima ng aksidente sa kalsada na naganap sa Bgy. Nagsaulay bandang 10:55 p.m.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng aksidente.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong 8:14 p.m. na habang nagmamaneho ng motorsiklo ang sikyu patungo sa poblacion ng bayan ng San Juan ay biglang nawalan ng kontrol sa manibela na naging sanhi ng pagbangga nito sa isang sasakyan.

Ang duguang biktima ay agad na dinala ng mga lokal na mamamayan sa San Juan District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Leslie Yupio.

AUTHOR PROFILE