Patrick1

Showbiz industry, nabigla sa pagkamatay ni Patrick

June 17, 2023 Ian F. Fariñas 342 views

ISA ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa mga unang nakiramay sa mga naulila ng ’90s heartthrob na si Patrick Guzman na binawian ng buhay nitong Biyernes sa Toronto, Canada dahil umano sa heart attack.

Wala pang ibinibigay na opisyal na pahayag ang pamilya ng Fil-Canadian actor as of presstime.

Sa Instagram kahapon, ipinost ni Ogie ang isang throwback picture nila mula sa pelikulang Mama’s Boys 2 kung saan kasama nila sina Anjo Yllana at Michael V.

Ani Ogie, “Here you are Pat Guzman with @michaelbitoy and @anjoyllana in our younger years doing our photo shoot for our blockbuster hit Mama’s Boys 2. So shocked and sad that you have gone to heaven so suddenly. Rest now brother. I will always remember the wonderful times we had while filming so many movies together. Be with Jesus.”

Maging ang beteranang aktres at direktor na si Beverly Vergel, na based na sa Canada, na-shock din sa balitang wala na si Patrick.

Sa isang post sinabi ni Beverly na, “You are one of the kindest, most sincere, gentlest of souls of a gentleman. You deserve all the superlatives and more.” Dagdag niya, “I’m sure all who know you will be so sad that you’re back in heaven joining your league of angels because a man like you is so rare.”

Bumuhos din ng mensahe ng pakikiramay mula sa iba pang celebrities sa comment section ng IG post ni Ogie.

Kabilang sa mga nakiramay sina Michael V, Dingdong Avanzado, Randy Santiago, Amy Perez, Bing Loyzaga, Gelli de Belen, Bayani Agbayani at marami pang iba.

Samantala, kabilang sa mga proyektong pinagbidahan ni Patrick ang Una Kang Naging Akin, Kung Ako na Lang Sana, Ikaw (lahat Sharon Cuneta movies), Sa Piling ng Iba at Chickboy.

Ang taus-pusong pakikiramay ng People’s Tonight sa naulilang pamilya ni Patrick.

AUTHOR PROFILE