Bossvic

Eisel, bet makatrabaho ang AshMatt

June 17, 2023 Ian F. Fariñas 192 views

NILINAW ng baguhang artista na si Eisel Serrano na maayos siyang nakapagpaalam sa Star Magic bago pumirma ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA).

Yes, Viva talent na ang showbiz newbie na nakapareha ni Carlo Aquino sa Love You Long Time, ang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Studio Three Sixty Inc. at dinirek ni JP Habac.

Sa virtual welcome mediacon na ibinigay ng Viva para kay Eisel, sinabi ng dalaga na very thankful siya sa Star Magic dahil maraming pinto ng oportunidad ang binuksan nito para sa kanya.

“But after the pandemic po ang dami po kasing na-cancel din na projects. After that, parang hindi na po ako nabigyan ng pagkakataon na mabigyan ulit o mabalik ‘yung mga project na hindi po natuloy. So back then, naiisip ko po na parang wala na po akong masyadong nagagawa o parang wala ho bang naghihintay sa akin na kailangan kong gawin. So parang hindi ho ako naggu-grow.

Parang kailangan kong hanapin kung ano ‘yung para sa akin. So I took the risk of going out of Star Magic,” paliwanag ni Eisel.

Marami na umanong nakaplanong proyekto para sa kanya ang bagong home studio. Pero kung siya ang tatanungin, kasama sa mga bet niyang makatrabaho ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

AUTHOR PROFILE