Joshua

Kili-kili ni Joshua, agaw-eksena

June 17, 2023 Ian F. Fariñas 500 views

Hindi nakaligtas sa pansin ng netizens ang malagong buhok sa kili-kili ng tinaguriang “Higop King” na si Joshua Garcia sa series of pictures na ipinost niya kahapon sa socmed mula sa El Nido, Palawan.

Matatakam ka talaga sa kaguwapuhan ng Kapamilya actor at hahagalpak ng tawa sa nakakaaliw at nakakabaliw na comments ng followers niya.

Isang netizen ang nagsabing, “huy bakit naman ganyan??”

“paamoy ng kili kili mo,” hirit ng isa pa.

Mas nakakaloka ang iba pang comments gaya ng “sobrang init na sa pinas dumagdag kapa??”, “parang ang bango ng kili kili ni juswa. Hahahah”, “JUSWAAAA!!! AWAT NA ??????” at “3,256 ang balahibo mo sa kili-kili Juswa! Alagang creamsilk ba?! Hahaha! Labyu!”

AUTHOR PROFILE