TVJ

TVJ sa TV5, gagawa ng bagong world record — Joey

June 17, 2023 Ian F. Fariñas 383 views

Posibleng madagdagan ang world record na hawak ng Eat Bulaga ng TVJ oras na magbalik sila sa ere simula Hulyo sa bagong tahanan na TV5.

Isa ito sa mga ibinahagi ni Henyo Master Joey de Leon sa Facebook Live ng TVJ page kahapon, Sabado.

As it is, ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show sa buong mundo.

Pero ani Joey, “Sa takbo ng mga pangyayari, kung anuman ang mangyari, kami lang ang kauna-unahang TV show, malamang sa buong mundo, na kakalabanin ang sarili namin.”

“Naliliwanagan kayo du’n? Kung saka-sakali, ‘pag hindi nagbago ang takbo ng mga pangyayari, kami ang kauna-unahang show na kalaban din ang show namin.

Maganda, record uli ‘yon,” makahulugang saad pa ni Joey.

Nalalapit na nga ang pagbabalik-telebisyon ng TVJ kasama ang mga legit Dabarkads.

Katunayan, naka-schedule na silang humarap sa isang media conference sa susunod na linggo.

Kaya, abangan!

AUTHOR PROFILE