Pokwang

Pokwang desididong ipa-deport si Lee: Di kaya ma-involve kay Fernando?

June 18, 2023 Aster Amoyo 327 views

Pokwang1DESIDIDO ang singer-comedienne-host at entrepreneur na si Pokwang na ipa-deport sa Amerika ang kanyang ex-partner of eight years, ang American national at occasional actor na si Lee O’Brian, ama ng kanyang five year-old daughter na si Malia Francine.

Nag-file ng petition for deportation si Pokwang kasama ang kanyang lawyer na si Atty. Ralph Calinisan dahil over-staying na umano sa Pilipinas si Lee na tourist visa lamang umano ang hawak at wala rin umano itong working visa sa bansa.

During the time na nagsasama pa sina Pokwang at Lee ay ang una ang tumayong breadwinner dahil wala namang stable income ang huli. Never din umano nakatanggap ng child support ang actress-comedienne para sa kanilang anak na si Malia.

Sina Pokwang at Lee ay unang nagkakilala nang magsama ang dalawa sa pelikulang “Edsa Woolworth” na ginawa ng singer, actress-comedienne sa Amerika nung 2014. In 2015 ay dumating sa bansa ang part-time actor to promote the movie at ditto na nagsimula ang kanilang relasyon.

Si Pokwang ay nagka-miscarriage sa kanilang unang baby na agad naman nasundan kay Malia na isinilang nung January 18, 2018.

Sina Pokwang at Lee ay nagkahiwalay nung November 2021.

Ang panganay na anak ni Pokwang na si Mae (27) ay anak niya sa isang Japanese national nung siya’y nagta-trabaho pa sa Japan bilang isang entertainer. She was also previously married to a Japanese national kung kanino siya nagkaroon ng anak na lalake na sumakabilang-buhay naman at a young age due to brain tumor.

Si Pokwang ay napapanood regularly sa “TictoClock,” isang variety show on GMA na pinagsasamahan nila nina Kim Atienza at dating beauty queen na si Rabiya Mateo.

Excited naman siya sa unang tambalan nila sa pelikula ng Venezuelan actor na si Fernando Carillo na mas kilala bilang si Fernando Jose sa hit Mexican telenovela na “Rosalinda” na pinagtambalan nila ng Mexican Queen of Latin Pop, ang singer-actress na si Thalia (Ariadna Thalia Sodi Miranda) nung 1999. Kasalukuyang nasa bansa ang actor. May nagsasabi na baka sa Venezuelan actor naman ma-involve si Pokwang. Kapansin-pansin na malakas ang appeal nito sa mga foreigner.

Aminadong nanligaw noon si Fernando Carrillo sa veteran and award-winning broadcaster na si Korina Sanchez-Roxas.

Rita hiwalay na sa ama ng anak pero hindi pa rin inilantad

SA kanyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inamin ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela na hiwalay na umano sila ng kanyang non-showbiz partner at ama ng kanyang 6 months old son na si Uno.

Kahit kelan ay hindi nagbahagisi Rita Daniela ng identity at picture ng kanyang ex-partner kaya walang idea ang kanyang fans kung sino ito. Marami tuloy ang nag-wonder kung bakit sobrang itinago ng singer-actress ang ama ng kanyang anak.

Inamin din ni Rita na kahit hiwalay na sila ng kanyang ex-partner ay nananatili umano silang magkaibigan and co-parenting their son na si Uno.

Ngayong balik-trabaho na si Rita, posible pa rin kayang mabuo ang dati nilang tambalan ng isa pang Kapuso singer-actor na si Ken Chan?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE