Sharev

Sharon, ipinaopera ang deviated septum

August 5, 2021 Ian F. Fariñas 448 views

NAGING super open si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa ilang enhancement na ipinagawa niya sa Amerika nang humarap sa virtual mediacon para sa latest movie niyang Revirginized na may global premiere ngayong Biyernes sa Vivamax, ktx.ph, iWantTFC at TFC IPTV at theatrical release sa US at Canada sa Aug. 13.

Bukod pala sa napabalitang pagpapabawas niya ng boobs (mula 40D, ngayo’y 36-38 na ang sukat ng dibdib niya), ipinaopera na rin niya doon ang kanyang deviated left septum.

Anang singer-actress, matagal na niyang problema sa pagkanta ang pagkakaroon ng deviated left septum.

Ayon sa Mayo Clinic, ito ay nangyayari “when the thin wall (nasal septum) between your nasal passages is displaced to one side. In many people, the nasal septum is off-center — or deviated — making one nasal passage smaller. When a deviated septum is severe, it can block one side of your nose and reduce airflow, causing difficulty breathing.”

Ipinaalala pa nga niya na nu’ng bata-bata siya, karamihan sa recordings niya, eh, puro hininga ang maririnig sa kanya.

“That’s because I would breathe from my mouth,” tukoy niya.

Kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon, sinamantala na niyang ipaayos ito sa Amerika.

“I had surgery done. But I told them, ‘please do not change my nose, I love my nose,’” kuwento pa ni Mega.

Ngayon, maluwag na raw siyang nakakahinga.

“I’m excited to sing with both nostrils,” ani Sharon na nakatakdang mag-release ng album ng Odette Quesada hit songs soon.

AUTHOR PROFILE