Sotto

Sharon, binigyan ng pre-b-day dinner ng pamilya Sotto

January 7, 2023 Jun Nardo 271 views

KASAMANG nag-celebrate ni Sharon Cuneta ng pre-birthday dinner ang Sotto family niya. Kahapon, January 6, ang actual birthday ng Megastar.

Eh, kahit ano pa ang mangyaring conflict at issue between Sharon and the Sotto family, mananatiling pamilya ang turing niya sa kanila.

Of course, nakaka-miss ding makasama si Sharon sa okasyon ng kanyang kaarawan.

Eh, iba na rin kasi ang mundo niya at semi-retired na sa showbiz.

But Sharon will always be dear to the entertainment press kahit bihira na namin siyang makita.

Happy, happy birthday, Shawie!

GABBY, MABENTA SA KAPUSO SERIES

MABENTA pa rin talaga si Gabby Concepcion!

Aba, isang bagong GMA afternoon series ang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

But this time, ang nakapareha na niyang si Carla Abellana ang isa sa mga makakapareha niya sa series na The Stolen Life.

Huling nagkasama ang dalawa sa Because of You.

Makakasama rin sa series ang mabenta ring si Beauty Gonzales.

Sa pagtatapos ng Mano Po Legacy: Flower Sisters, ito namang Stolen Wife ang haharapin niya.

AUTHOR PROFILE