Nadine1

Int’l screenings ng ‘Deleter,’ kasado na

January 8, 2023 Ian F. Fariñas 214 views

KAHAPON ang huling araw ng official run ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) at base sa socmed post ng MMFF page, mukhang happy naman sila sa naging resulta nito dahil sa mainit na pagtangkilik ng publiko sa pagbabalik-sinehan ng Pinoy movies.

Gaya ng mga nakalipas na taon, inaasahan nang matitira sa mga sinehan ang entries na pumatok sa takilya gaya ng napabalitang top grosser na Deleter ni Nadine Lustre, Family Matters ng Cineko Productions, Nanahimik ang Gabi nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo.

Malamang na overall earnings lang ang ilabas ng MMFF execom anumang araw ngayon at hindi individual figures ng bawat entry.

Anyway, tuloy naman ang ligaya para sa Deleter dahil in-announce na ng Viva Films ang international screenings sa Amerika, UAE at Singapore.

Matatandaan na naghakot ng awards ang techno-horror movie na dinirek ni Mikhail Red sa MMFF Gabi ng Parangal.

Kabilang na rito ang best actress para kay Nadine at best director award para kay Direk Mikhail.

AUTHOR PROFILE