Guess

Sexy star, pinagpapahinga ng anak sa paggawa ng sexy movies

October 4, 2023 Jun Nardo 189 views

LUMALABAS pa rin sa sexy movies ang isang dating sexy star kahit may edad na’t anak. Eh, seksi pa rin naman kaya go lang siya nang go sa sexy films lalo na’t may sex appeal pa naman siya.

Pero ang balita namin, pinagpapahinga na ang sexy star ng kanyang anak.

Nahihiya na raw ang anak niya sa ginagawa ng kanyang nanay sa sexy films.

Kaya kung malimitahan na sa paglabas sa sexy films o kung lumabas man, eh, wala namang all the way scenes ang sexy star, ginagawa niya ito para hindi na siya pagsabihan ng anak, huh!

’DI NAKATANGGI

MaryaGUSTO ng director na si FM Reyes na art film ang unang ipalabas sa mainstream.

Eh, ‘yung pelikula ni Direk FM na Uhay, nanalo bilang first prize sa Gawad CCP noong college days niya.

Pero hindi mahindian ni Direk FM nang mahilingan siya nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos na idirek sila sa pelikulang In Her Mother’s Eyes na intended para sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sabi ni Direk FM, mga pro sila. Grabe dahil ‘pag acting, acting talaga at kapag biruan, eh, biruan talaga.

`Reunion movie nina Marya at Dick ang movie at acting vehicle naman ito para kay LA.

AUTHOR PROFILE