Krista

Sexy star, dinenay ang isyung napagalitan ng Viva

August 8, 2022 Jun Nardo 545 views

LABANAN na ng contents sa digital streaming application. Isinilang na ang dalawang streaming app mula sa AQ.

Ready nang makipagbakbakan sa digital world ang streaming application nang magsimula ito kahapon, August 8, ganap na 8 a.m., kung saan puwede nang i-stream ang contents na ginawa nila sa murang halaga.

Dalawang application ang inilunsad kahapon na may pang-general patronage at ‘yung isa, eh, R-18.

Ilan sa mapapanood ay ang horror content na Huling Lamay na directed by Joven Tan at ilan sa mga bida sina Marlo Mortel at Lou Veloso. Kasado na rin ang Bingwit na sexy at La Traidora. Humarap din sa launching ang bagong artists ng kumpanya.

Naging curious kami sa dalawang bidang lalaki sa Bingwit kung saan si Krista Miller ang kasama nila. May halikan kasi ang dalawang lalaki at sex scenes.

Magkakilala raw ang dalawang baguhan at nagkasama sa isang pageant.

“Trabaho lang po ‘yon. Sexy siya (movie) at sexy kami kaya ginawa namin.

“Trabaho lang po,” sey ni Drei.

“Kay Krista kami parehas na may naramdaman!” saad ni Rey.

Pumasok si Krista na kasama sa movie.

“May naramdaman po ako during love scenes. Ang maganda sa kanila, professional. Sobrang caring pagdating sa set,” pahayag niya.

Eh, totoo ba ang tsismis na pinagalitan siya ng Viva dahil sa paggawa sa AQ Prime?

“Hindi! Hindi!” sigaw ng manager niyang si Lito de Guzman.

Handa itong sumabay sa contents ng Vivamax, huh! Ang makatulong sa industriya ang layunin kaya itinatag ang streaming app.

AUTHOR PROFILE