Sexbomb Larawan mula sa IG/@rochellepangilinan

SexBomb Girls nag-reunion

November 29, 2023 People's Tonight 136 views

NAGKITA-KITANG muli ang iconic all-female singing and dancing group na SexBomb Girls para sa isang house party.

Sa Instagram page ng leader ng nasabing grupo at aktres na si Rochelle Pangilinan, ibinahagi niya ang mga larawan ng masayang reunion ng SexBomb.

“Sexbomb girls in the house!! Get get…” sey ni Rochelle sa caption ng kanyang post.

Sa hiwalay pang post, ibinahagi rin ni Rochelle ang video ng masayang bonding ng grupo.

Saad pa niya ay sana raw ay maulit ang pagkikita-kita nilang iyon.

“Ang saya lang makita at makasama kayong muli. Dati sabay kumain, maligo at matulog. Ngayon may kanya kanya ng buhay,” wika ni Rochelle.

“Sarap ng kwentuhan at tawanan kagabi. Ulitin natin to!” dagdag pa niya.

Nagbunyi naman ang mga netizens sa reunion ng SexBomb Girls.

“Grabe, Idol ko talaga tong mga to bata pa lang ako. Kahit mga songs hanggang ngayon saulo ko. Pinalaking sexbomb po ako.”

“Ang saya din ng puso kong batang sexbomb na makita po kayong sama sama! Parang gusto kong maghalukay ube ngayon habang naglalakad.”

“Our childhood girl group!!!! Kakamiss. Kami dati may pa showdown lage e pag nag lalaro haha. From Sexbomb Dancers sa EB to Daisy Siete hays! Plus yung mga songs at sayaw niyong pang malakasan grabe.”

“Isa kayo sa mga dahilan kaya kahit walang gadgets noon ang batang 90’s sobrang saya at the best pa din.. Get get aw..!!!”

“I miss OG sexbomb.”

“Mga te isa kayo sa mga nagpalaki sakin at tinuruan na bawal bumawi.”

Namayagpag ang ngalan ng SexBomb Girls noon bilang singing and dancing group para sa noontime show na ‘Eat Bulaga’ at kalaunan ay nagkaroon din ang grupo ng afternoon drama series na ‘Daisy Siete.’

AUTHOR PROFILE