Victims

‘Sex ring’ victims

May 7, 2023 People's Tonight 389 views

SAMPUNG babaeng biktima umano ng international sex syndicates ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa airport noong nakaraang Biyernes (Mayo 5).

Pasakay na ang mga babae sa isang Cebu Pacific flight patungong Singapore nang harangin sila ng mga “eagle-eyed” na ahente ng immigrattion bureau.

Noong una ay sinabi ng mga babae na magto-tour lang sila sa Singapore pero kalaunan ay nakitaan sila ng work permits bilang “entertainers” sa nasabing bansa.

Hindi alam ng mga biktima na merong naunang impormasyon ang natanggap ng BI, na nasa ilalim ng Department of Justice, na sila’y gagawing “sex workers.”

Ang nasabing impormasyon ay galing mismo sa Inter-Agency Council Against Trafficking, ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Ang mga biktima ay ni-recruit umano online sa pamamagitan ng Facebook Messenger para magtrabaho sa isang club sa Singapore,”with a monthly salary of P40,000.”

Marami na tayong kababayang babae, karamihan ay probinsiyana, ang napariwara at nasira ang buhay dahil sa kagagawan ng mga miyembro ng “sex trafficking syndicates.”

May mga nakulong pa nga sa labas ng bansa. Hindi na biro ang ginagawa ng mga sindikatong ito. Panahon na para sila’y maaresto, makasuhan at mabulok sa kulangan.

Kung maibalik sana ang death penalty sa Pilipinas ay dapat isama sa heinous crimes ang sex trafficking para ma-lethal injection ang mga taong nasa likod ng sex rings.

Pero ang masakit ay may mga kababayan tayong “willing victims” ng mga sindikato sa kagustuhang maiahon sa sobrang kahirapan ang kani-kanilang pamilya.

Nakalulungkot naman.

AUTHOR PROFILE