Serbisyong kalusugan at edukasyon pasisiglahin ni Sy-Alvarado sa Bulacan

April 11, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 151 views

ISUSULONG ni Bulacan gubernatorial candidate Willy Sy-Alvarado ang serbisyong pangkalusugan at edukasyon sakaling muling mahalal na gobernador.

“Kailangang ilapit natin sa mamamayan ang pinasiglang serbisyong pangkalusugan at edukasyon para sa kabutihang pangkalahatan matapos ang pandemyang ating dinanas,” diin ng dating gobernador.

Target ni Alvarado ang pagdaragdag ng mga ospital at maging dagdag na sangay ng Bulacan State University.

Kasabay nito, sinabi ni Alvarado na dapat maluklok sa lalawigan ang isang lider na may sapat na karunungan at karanasan, malinaw ang plataporma at programa sa usapin ng kalikasan, kabuhayan at kaunlaran.

Aniya, kailangan ng lalawigan ang isang lider na may malalim na pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan para makamit ang mga layuning ito.

Sa datos ng lalawigan, tumanggap si Alvarado ng 136 awards sa loob ng siyam na taon nitong panunungkulan bilang gobernador ng Bulacan.

Pinagkalooban din ito ng Seal of Local Governance sa loob ng limang taon at Kalasag Award na pinakamataas na gawad mula sa Department of National Defense (DND).

Noong nanunungkulan pang gobernador, halos 7 bilyong pisong pondo ang naiwan ni Alvarado sa kaban ng lalawigan mula sa 2.7 bilyong pisong budget nang una siyang maging gobernador.

AUTHOR PROFILE