Default Thumbnail

Senglot nasaksak sa perya buhay

October 16, 2023 Gil Aman 221 views

NAHAHARAP sa kasong frustrated homicide ang isang suspek sa pananaksak sa isang lasing sa peryahan sa Bgy. Caliraya, Lumban, Laguna noong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Lumban police ang suspek na si alyas Sammy na boluntaryong sumuko kay Barangay Chairperson Maria Liwag na siya namang nagpaabot ng pangyayari sa pulisya.

Tatlong tama ng saksak sa katawan ang tinamo ng biktima na si Sammy Abunda Geraso, residente sa nasabing barangay.

Sa inisyal na ulat, naglalaro sa peryahan ang suspek pero biglang dumating ang lasing na biktima dakong alas 8:00 ng gabi.

Biglang nagtalo ang dalawa hanggang sa bunutin ng suspek ang ice pick na dala at inundayan sa katawan ang lasing na biktima.

AUTHOR PROFILE