Zubiri

SENATORS TULOY SUPORTA, TIWALA KAY FRASCO

July 6, 2023 Camille P. Balagtas 315 views
Robin
Sen. Robin Padilla:”Hangad ko po na kasabay ng ating pag-usad mula sa masukal na usaping ito ang pagkakaisa ng lahat sa ilalim ng iisang bandera: ang pagsulong ng turismo ng Pilipinas bilang mamamayang Pilipinong pinagbubuklod ng pag-ibig sa bayan.”
Cayetano
Sen. Pia Cayetano: “Do we keep pounding on it, shooting ourselves in the foot in foreign media or do we come together and, with the corrections, promote the beauty of our country and people? Let’s go to the next phase! Support DOT, promote the Philippines!”

Magkapit-bisig, isulong ang turismo ng Pilipinas

ANG lahat ng makabuluhang ambag ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at ng lahat ng bumubuo ng Department of Tourism (DOT) ay hindi dapat maisantabi at matabunan ng kontrobersiya. Kaya naman hindi po matitigil ang ating suporta at tiwala kay Secretary Frasco at sa Kagawaran.”

Ito ang pahayag ni Sen. Robinhood ‘Robin’ C. Padilla sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng DOT dahil sa Love the Philippines video.

Kasabay nito, sinabi ni Sen. Robin na umaasa pa rin siya sa muling pagsulong ng turismo ng Pilipinas.

Iginiit ni Padilla na hindi dapat mawala sa isip ng tao ang “Love the Philippines” bilang mensahe ng pag-ibig sa Pilipinas bilang diwa, kaluluwa, at puso ng pagsulong ng turismo sa bansa – at bilang liham ng pag-ibig para sa bawat Pilipino at sa buong mundo.

“Hangad ko po na kasabay ng ating pag-usad mula sa masukal na usaping ito ang pagkakaisa ng lahat sa ilalim ng iisang bandera: ang pagsulong ng turismo ng Pilipinas bilang mamamayang Pilipinong pinagbubuklod ng pag-ibig sa bayan,” aniya sa kanyang Facebook account.

Ani Padilla, na miyembro ng Tourism Committee ng Senado, kaisa siya sa mga Pilipino na nais makita ang kalinawan sa naging kakulangan sa tourism campaign video ng DOT – at ang pagtiyak ng pananagutan sa mga may pagkakasala.

Iginiit din ng mambabatas na malaki ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Frasco, kasama ang kanyang pagkilala sa agarang aksyon ng kagawaran tungkol sa isyu na ito.

“Bilang inyong lingkod bayan at miyembro ng Komite ng Turismo sa Senado, kaisa ako ng bawat Pilipino sa paghahanap ng kalinawan sa naging kakulangan ng de-bidyong kampanyang inilunsad ng Kagarawan ng Turismo. Kinikilala rin natin ang agarang aksyon ng DOT para tiyaking may pananagutan ang sinumang may pagkakasala,” aniya.

Pinasyalan din ni Padilla ang mga taga-Alaminos City,Pangasinan nitong Miyerkules.

“Mabuhay ang ating turismo,” dagdag pa niya.

Samantala, hinimok nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senador Alan Peter Cayetano ang publiko na magpatuloy at magkapit-kamay sa pagtataguyod ng bansa sa gitna ng kontrobersiya na nakapalibot sa bagong tourism campaign na ‘Love the Philippines.’

Ito ay matapos putulin ng Department of Tourism (DOT) nitong Lunes ang kontrata nito sa isang advertising agency na napatunayang gumamit ng stock footage na kuha mula sa mga ibang bansa sa pagsusulong ng turismo sa Pilipinas.

“Issues have been brought out and discussed, mistakes have been acknowledged both by the DOT and the advertising agency. Isn’t the purpose of criticism to correct? So mission accomplished!,” sulat ni Cayetano sa isang post sa kanyang official Facebook page ngayong Miyerkules, July 5.

Pinuri ni Cayetano ang masiglang demokrasya ng bansa na aniyay nagbigay-daan sa pagkakalantad ng isyu at naging dahilan upang tanggapin ng DOT at ng ad agency ang kanilang mga pagkakamali.

Gayunpaman, sinabi niya na kailangang magkaroon ng balanseng pananaw sa isyung ito kung saan maaaring may partisan at pampulitikang interes.

“Once a wrong is exposed (or explained) and mistakes are acknowledged and remedied, do we keep pounding on it, shooting ourselves in the foot in foreign media… or do we come together and, with the corrections, promote the beauty of our country and people?!,” wika ni Cayetano.

Sinabi rin niya na sa pagtataguyod ng turismo sa Pilipinas, bahagi dapat ng atraksyon ang pangunahing asset ng bansa: ang mga Pilipino.

“GOD created such a beautiful country, such talented people! Yes, beautiful mountains, hills, valleys, islands, beaches, modern cities etc., yet our number one asset is our people!,” wika niya.

“The problem is not many people around the world know much about the Philippines! Yet many love the Filipinos! With more than 10 million Filipinos abroad, the first insight about the Philippines comes from the Filipino!,” dagdag ng senador.

Nagbabala rin si Cayetano laban sa paglaganap ng fake news tulad ng kumakalat na maling balita sa social media platforms noong matagumpay na hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games noong 2019, na pinamunuan niya bilang Chairman ng Philippine SEA Games Organizational Committee.

“Remember the allegation that kikiam (pork) was served to Muslims during the SEAGames? It turned out to be fake news! It was chicken sausage! We found out there was a big PR firm launching the attack. It all turned out to be fake news, a political agenda packaged as constructive criticism,” paliwanag ng senador.

Aniya, napahamak ang Pilipinas dahil sa pekeng balita na ito na nagdulot pa ng takot sa maraming sponsor dahil sa mga negatibong balita sa mga bansa sa Southeast Asia.

Sa pagtatapos ng kanyang post, nagpahayag ng kumpiyansa si Cayetano sa paghawak ni Sec. Frasco sa isyu ng kampanya sa turismo.

“I know the DOT Secretary, she listens! She cares about people’s views and ideas! Let’s try communicating, not for her but for the country which we all claim to love,” ani Cayetano.

“Let’s go to the next phase! Support DOT, promote the Philippines!” dagdag niya.

Para naman kay Zubiri, sapat na ang ginawang pagsasaayos ng DOT sa pagkakamali na ginawa ng ahensya kinontrata nito.

Ayon pa kay Zubiri eto ang tamang panahon upang magkaisa ang ating mga kababayan upang ipakita na kaya ng bansang bumangon sa imaheng dinulot ng pagkakamali na ito.

“I believe that Sec. Frasco and the Department had no ill intent inthis mishap, but I nevertheless expect them to take this incident very seriously and hold accountable those who have wronged the Filipino people and the tourist spots that were replaced with alien places.” ani Zubiri

Nanawagan din ang Pangulo ng Senado sa iba pang ahensya tulad ng DPWH at DOT gayundi ang DOH upang pag-ibayuhin ang kanilang trabaho at makipag tulungan sa DOT ng maisaayos ang imahe ng bansa sa mga turistang bumibisit sa Pilipinas lalot sa larangan ng serbisyo at mga imprastraktura. Kasama si MARLON PURIFICACION