Bongfam

Sen. Bong, ibinasura ang ambisyon na tumakbo sa mataas na posisyon

May 23, 2023 Vinia Vivar 258 views

Wala na talagang interes pa si Sen. Bong Revilla na tumakbo sa mas mataas na posisyon lalo na nga ang pagiging Pangulo ng Pilipinas.

“Hindi na, ayoko na niyan. ‘Yan ang puno’t dulo ng lahat ng sakit ng ulo. Sa kanila na ‘yan,” sabi ni Sen. Bong nang makatsikahan namin last Monday sa kanyang birthday lunch treat for his manager, Lolit Solis, with his wife, Congresswoman Lani Mercado.

Marami nga raw ang nagsasabi sa kanya na tumakbo for a higher position, pero sey niya, “please, huwag n’yo na akong isali riyan.”

Susuporta na lang daw siya sa kung sinumang magiging Pangulo ng bansa at sa mga susunod na eleksyon ay tutulong na lang siya sa pagpili ng magiging next President.

Sobrang agree naman si Cong. Lani sa desisyon ng kanyang asawa.

“Lahat naman ng desisyon niya sa buhay, siya ‘yung pipili nu’n, eh. Kami, nandito lang to share our opinion. And majority ng pamilya, talagang gusto namin, tahimik na buhay.

“Well, ‘yung pinasok namin, hindi naman talaga tahimik, pero pwede mong ma-minimize.

“Very stressful na kasi ‘yung nadaanan namin in the past. We learned from what has happened. Despite that it has made us stronger, eh, gusto namin ng medyo tahimik na sitwasyon. Less stress,” sabi ni Cong. Lani.

Paano kung may matinding clamor talaga ang mga tao for Sen. Bong to become President?

“Huwag na,” sambit ng aktor/politiko. “Huwag na lang kaming isali riyan dahil napakarumi ng pulitika,” he added.

Samantala, excited na si Sen. Bong sa pagsisimula ng bago niyang TV series sa GMA-7, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa June 4 with Beauty Gonzalez as his leading lady.

Medyo light naman daw ito compared sa huli niyang serye na Agimat ng Agila dahil may pagka-comedy ito.

Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga action scene na talaga raw ginastusan nang husto ng GMA-7.

WEEKEND MALL SHOWS

Siguradong naging unforgettable ang weekend ng mga Kapuso sa Davao at Bataan dahil sa masayang Kapuso mall shows na dinaluhan ng mga paborito nilang artista.

Binalot ng kilig ang Gaisano Mall of Toril, Davao City noong Sabado (May 20) dahil sa mga sorpresang inihanda nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na mga bida ng upcoming show na Love Is: Love at First Read.

Bumilib naman ang mga Dabawenyong nakisaya sa Gaisano Mall of Tagum, Tagum City noong Sabado rin sa nakaaaliw na performances ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young na parehong cast ng upcoming teleserye na Royal Blood.

Hiyawan at palakpakan naman ang sumalubong sa cast ng Voltes V: Legacy na sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Raphael Landicho, Matt Lozano at Ysabel Ortega sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan noong Biyernes (May 19).

Gayudin ang naging pagsalubong ng mga Kapusong Bataeno na nakikanta’t nakisayaw sa Vista Mall Bataan, Balanga City, Bataan noong Sabado kasama ang cast ng The Write One na sina Bianca Umali, Royce Cabrera, Alma Concepcion, Kokoy de Santos, Analyn Barro, Migs Villasis, Yvette Sanchez at Karenina Haniel.

AUTHOR PROFILE