Coco

Fans, lito sa pag-amin ni Coco sa 12-year ‘relationship’ kay Julia

May 24, 2023 Vinia Vivar 316 views

Marami ang nalito sa mga naging pahayag ni Coco Martin nang makapanayam siya ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa ginanap na watch party ng Unbreak My Heart.

Sa nasabing event ay magkasamang dumalo si Coco at ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes para suportahan ang first collaboration project ng ABS-CBN at GMA-7.

Makikita rin sa mga video na magka-holding hands pang rumampa ang dalawa sa red carpet.

During the interview, may mga naging pahayag ang Kapamilya Primetime King tungkol sa relasyon nila ni Julia na first time niyang sinabi.

“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil ‘eto, ilang years na, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin ng gaya ng dati.

“Nilu-look forward namin kapag may project kami na magkasama kami. And then, ‘pag may pagkakataon, ‘eto, ‘di ba, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao. Pero name-maintain namin ‘yung privacy sa buhay namin,” sey ni Coco.

Medyo malabo sa iba kung ano ang tinutukoy ni Coco na 12 years na sila ni Julia — relasyon ba nila as a couple o working relationship?

Ang fans mismo ang nakapansin na 12 years ago kasi nang unang magsama sina Coco at Julia sa TV series na Walang Hanggan at dito na nga rin sila nagsimulang ma-link sa isa’t isa.

Kaugnay nito ay naglabas ng sariling research ang ABS-CBN ng mga lumang interview ni Coco.

Ilan dito ay ang panayam noong 2011 at 2012 kung saan ay sinabi ni Coco na hindi niya nililigawan si Julia.

Taong 2013 ay muling natanong si Coco pero diretso ang sagot ng aktor na hindi siya nanliligaw.

Kaya naman ang konklusyon nila ay marahil, ang tinutukoy ni Coco na “12 years na kaming magkasama” ay ang kanilang “working relationship.”

Kaya ang tinatanong ngayon ng fans, ilang taon na talaga ang kanilang relasyon as a couple?

Hinihintay din ng lahat ang isang sit-down interview sa dalawa kung saan ay aaminin na nila officially at ilalahad ang kanilang love story.

Pero knowing Coco na mailap pagdating sa kanyang love life, medyo malabo pang mangyari ito sa ngayon.

AUTHOR PROFILE