Batangas

Semana Santa sa Batangas payapa

April 2, 2024 Jojo C. Magsombol 85 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa Batangas, Ayon sa ulat ni Police Colonel Samson Belmonte, Provincial Director NG Batangas Police Provincial Office (BPPO) kay Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, Police Regional Office 4-A Director.

Nag-deploy ang Batangas police ng mahigit 2,000 pulis sa mga places of convergence para masiguro ang kaligtasan ng mga taong piniling dito gunitain sa probinsya Semana Santa.

Katuwang ng kapulisan ang ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine Red Cross at mga local government units.

Bukod pa rito ang mga force multipliers na kabalikat ng PNP sa pagpapatupad ng kaayusan.

Nagpapasalamat si Belmonte sa mga kababayan nating nakiisa at tumulong sa kapulisan sa kanilang pagganap sa tungkulin.

“Maraming salamat po sa inyong kooperasyon,” saad ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE