Default Thumbnail

Selosong driver tinangkang todasin kapwa tsuper

June 14, 2022 Edd Reyes 402 views

BASTA’T driver, sweet lover.”

Ito ang kasabihang tumutugma sa lalaking pinagtangkaang patayin ng kapwa niya tsuper ng pampasaherong jeep dahil sa hinalang nagkaroon ito ng “relasyon” sa kanyang asawa sa Malabon City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Malabon Police Chief P/Col. Albert Barot, katatapos lang kumpunihin ng bikitma na nakatira sa C. Arellano St. Bgy. San Agustin. ang ipinapasadang jeep, katuwang ang isang kaibigan at kapwa umiinom na ng kape dakong alas-6:30 ng gabi noong araw ng Linggo sa tapat na kanilang bahay nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim.

Bigla na lamang inundayan ng saksak ng suspek ang bikitma na masuwerteng nakailag bagama’t tumusok pa rin ang patalim sa kanyang kaliwang braso.

Tinangka namang umawat ng kaibigan ng biktima subalit ang muling pag-ulos ng patalim ng suspek ay tumama sa kanyang kaliwang balikat na naging dahilan ng pagkakaroon din niya ng sugat.

Dahil dito’y tumakas ang suspek at iniwan ang dalawang biktima na kaagad ding isinugod sa malapit na pagamutan kung saan sila nilapatan ng kaukulang lunas.

Matapos makapagpagamot, nagsumbong sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 ang dalawa na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa kanyang bahay.

AUTHOR PROFILE