Francisco Kinakausap ni MPD Director PBrig. Gen. Leo “Paco” Francisco ang kanyang mga kapulisan na maging alerto sa kani-kanilang mga “area of responsibility” matapos nitong makipag-ugnayan sa pamunuan ng simbahan ng Itim Na Nazareno sa Quiapo at sa mga organizer upang ayusin ang seguridad, kaayusan, at panuntunan sa minimum health protocol. Kuha ni Jon-jon Reyes

Seguridad sa mga simbahan para sa Semana Santa, kasado na

April 6, 2022 Jonjon Reyes 395 views

NAKALATAG na ang mga seguridad sa Lungsod Maynila para sa mga simbahan bago ang paggunita ng Semana Santa para sa kapayapaan at kaayusan sa mga idaraos na aktibidad sa paggunita ng mga mananampalataya.

Ito ang ipinahayag ni Manila Police District (MPD) Director P/Brigadier General Leo “Paco” Francisco, matapos nitong makipagpulong sa pamunuan ng simbahan ng Itim Na Nazareno sa Quiapo at sa mga organizer upang masiguro ang seguridad, kaayusan at ang pagpapatupad ng minimum health protocol kontra COVID-19.

Partikular na tinukoy ni Gen. Francisco ang gagawing prusisyon sa lungsod ng mga replica ng Poong Itim Na Nazareno na bahagi ng aktibidad ng Quiapo Church sa paggunita ng Semana Santa.

May 100 sasakyan na may dalang replica ng Black Nazarene ang kasama sa prusisyon.

Nag-deploy na ang MPD ng sapat na bilang ng mga tauhan at mobile unit upang magbantay sa gagawing prusisyon upang matiyak ang seguridad ng mga dadalo.

Magsisimula ang prusisyon sa Carriedo Street at iikot sa ilang bahagi ng Maynila hanggang makarating ng simbahan ng Quiapo.

Payo ng MPD sa mga lalahok at mga deboto na mag-aabang sa prusisyon na ipatutuad pa rin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE